• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbibigay parangal ng Senado sa tinukoy nilang “heroes of EJK” tinuligsa ni Davao City Rep. Paolo Duterte

TINULIGSA ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagbibigay parangal ng senado sa tinukoy niyang “heroes of EJK.”

“What we are witnessing inside the halls of the Senate today is not remembrance—it is selective mourning and convenient amnesia,” ani Duterte.

Ayon sa mambabatas, mas pinili umano ng Senado na ipalabas ang sinasabing They “heroes” ng EJK, ngunit tumanggi ito kilalanin ang miyembro ng SAF 44, na sumusunod sa utos, pumasok sa teritoryo ng kalaban at hindi na nakabalik sa pamilya.

“No exhibit, no candles, no speeches, just silence,” anang mambabatas.

Sinabi nito na nagdalamhati ito para sa mga kriminal ngunit nananatiling tahimik sa tunay na biktima ng droga, mga batang inabuso at pinatay ng mga aidik, pamilyang sinira ng droga at komunidad na nangangamba habang hindi sila tinitingnan ng mga opisyal.

“Paano na ang mga pulis na araw-araw lumalaban sa kriminalidad? Paano na ang mga sundalong nakipaglaban at nagbuwis ng buhay laban sa mga terorista at NPA para ipagtanggol ang bayan?
Sila ba ay hindi karapat-dapat alalahanin? Hindi ba sila bahagi ng kasaysayan?
Hindi ba sila biktima rin?, pagtatanong nito.

Hinanap din nito ang galit ng Senado para sa mga inosente o pagpapahalaga sa magulang na naglibing sa mga anak dahil sa droga.

“This selective empathy exposes the truth:
This is not about human rights—this is about politics.
This is not about justice—this is about rewriting history,” saad pa ni Duterte.
(Vina de Guzman)