• December 1, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: December 1, 2025
    Current time: December 1, 2025 9:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbasura ng ICC sa interim release request ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte, ikinatuwa ng mambabatas

IKINATUWA ni Deputy Minority leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang ginawang pagbasura ng International Criminal Court (ICC) sa interim release request ng kampo ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“Masaya. Magaan ang loob. Ganito pala ang pakiramdam ng hustisya na napakadalang na maranasan sa ating bansang Pilipinas,” anang mambabatas.
Sinabi pa nito na tama lang na mananatili si Duterte sa The Hague hanggang sa katapusan ng kanyang paglilitis sa pagpatay ng libu-libong mga Pilipino sa ngalan ng kanya umanong pekeng giyera kontra droga.
Kaugnay nito, nanawagan ang Makabayan bloc sa ICC na siguruhin na managot din si Senador Ronald “Bato” dela Rosa, dating Philippine National Police chief ni Duterte.
“Kung si Duterte ay humaharap na sa hustisya, dapat sumunod si Bato dela Rosa,” saad sa statement ng Makabayan bloc. (Vina de Guzman)