Pacquiao vs Terence inaayos
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG negosyante ang handang sumugal at maglatag ng kanyang milyones matuloy lang banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at unbeaten World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford ng USA.
Isiniwalat kamakalawa ni Top Rank Promotions CEO Robert ‘Bob’ Arum, na desididong sagutin ng maperang investor sa Middle East ang mamahaling bayad sa pagdarausan ng suntukan sa taong ito.
“Somebody is willing to spend big money to get the Crawford-Pacquiao fight and the site fee, that then distorts everything,” pagsisiwalat ng Amerikanong promoter sa podcast Barbershop Conversations.
Nauna nang humirit ng $40M (P2B) ang 42 taong-gulang na Pambansang Kamao habang $10M naman ang singil ni Crawford para sa upakan.
Pinanapos ni Arum na malamang na magkatintahan ngayong linggo ang mga handler ng magkabilang panig upang matuloy ang Pacquiao-Crawford 12-round fight. (REC)