Pacquiao tatanggapin ang ‘Manok ng Bayan’
- Published on March 26, 2021
- by @peoplesbalita
SOKPA uli si eight-division world men’s professional boxing champion Sen. Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao sa Philippine Sportswriters Association (PSA) virtual Awards Nights 2020 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong sa Marso 27, Sabado.
Igagawad sa 42-anyos, 5-7 ang taas at tubong Kibawe, Bukidnon ang Chooks-to-Go Fan Favorite ‘Manok ng Bayan’ Award, na kabilang sa mga karangalan ng pinakamatagal na media organization sa bansa sa tradisyunal na taunang okasyon na hatid ng San Miguel Corporation (SMC).
Babalikatin din ang pagtitipon ng Philippine Sports Commission (PSC) at Cignal TV, katuwang ang 1Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine. Ang mga host ay sina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan.
“Notwithstanding the pandemic, Pacquiao went around the country to help affected communities with their everyday needs. In all, he already donated more than 5,000 kilos of chicken, rice, and canned goods, aside from financial assistance in his various sorties nationwide,” pahayag Miyerkoles ng Chook-to-Go.
Ipapalabas ito sa Marso 28 sa OneSports+ simula sa ala-7:00 nang gabi hanggang alas-8:30 nang gabi. Mangunguna sa event ang pangulo ng PSA na si si Manila Bulletin Sports Editor Eriberto ‘Tito’ Talao. (REC)