• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao bumubuo na ng game plan kontra Ugas

Bumubuo na ng ba­gong game plan ang kampo ni People’s Champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas.

 

 

Nabago ang kalaban ni Pacquiao matapos matuklasang may eye injury si World Boxing Council at International Boxing Fe­deration titlist Errol Spence Jr. sa prefight medical exa­mination.

 

 

Sumailalim agad sa eye surgery si Spence kahapon sa Amerika.

 

 

Dahil sa mga pagbabago, gumagawa na rin ng solidong plano ang Team Pacquiao para kay Ugas kabilang na ang panonood sa mga nakalipas na laban nito.

 

 

Magtutuos sina Pacquiao at Ugas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) kaya’t may halos dalawang linggo pa ang tropa ng Pinoy champ para makabuo ng game plan.

 

 

Isa na rito ang pagpapalit ng sparring partners. Kaliwete ang mga naunang sparring partners ni Pacquiao dahil kaliwete si Spence.

 

 

Sumalang agad si Pacquiao sa walong rounds ng sparring sessions kaharap ang tatlong right-handed boxers.

 

 

Sa mahigit dalawang dekada sa boxing, sanay na si Pacquiao sa mga ganitong uri ng biglaang pagbabago kaya’t hindi na mahirap para sa kanya ang adjustments.

 

 

Hindi ganun kaning­ning ang pangalan ni Ugas kumpara kay Spence su­balit walang balak magpa­kampante si Pacquiao.

 

 

At handa itong bigyan ng magandang palabas ang mga boxing fans.