• March 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P764-M halaga ng mga bagong kagamitan, ibinida ng PNP

PINANGUNAHAN ni PNP OIC Chief PLt. Gen. Vicente Danao Jr. ang blessing ceremony para sa mga bagong kagamitan ng Philippine National Police (PNP).

 

 

 

Asahan na rin na mas mapapalakas pa ng Pambansang Pulisya ang kanilang capabilities dahil sa mga bago nilang kagamitan.

 

 

Tinatayang nasa P764 Million ang halaga ng mga bago nilang gamit na pinondohan sa ilalim ng kanilang Capability Enhancement Program mula sa 2015 hanggang 2021.

 

 

 

Kasama sa mga gamit na nabili ng PNP ay ang mga sumusunod:

 

16 na unit ng brand new van

3 unit ng transport vehicle

8, 358 units ng 9mm stiker fired pistol

8, 500 units ng 5.56mm basic assult rifle

34 units ng light machine gun

45 units ng explosive detector dog

620 units autogated night vision device

at 5, 298 units all purpose vest