P65-M nabawi mula sa mga eskuwelahan na nasa voucher program anomaly
- Published on March 30, 2025
- by @peoplesbalita
NABAWI ng Department of Education (DepEd) ang P65 milyon mula sa 54 pribadong eskuwelahan na nasa Senior High School voucher programIto’y habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing anomalya.
Sinabi ng DepEd na ang 54 private schools na may tanda ng iregularidad, 38 ang “fully refunded the government,” habang dalawa naman ang nagsagawa ng partial refunds.
“However, 14 schools have yet to return the funds, and final demand letters will be issued to ensure compliance,” ang sinabi ng DepEd.
“DepEd noted that further investigation is needed to determine whether these financial irregularities constitute fraud,” ayon pa rin sa departamento ukol sa nabawing pondo.
Tinatayang may 12 eskuwelahan sa senior high school voucher program nito sa gitna ng alegasyon na “ghost students.”
Kadalasan, ang mga nagpapartisipang eskuwelahan ay mayroong 100 hanggang 1,000 benepisaryo kada isa. ang voucher ay nagkakahalaga ng P14,000 hanggang P22,500 depende sa lokasyon ng estudyante.
Noong nakaraang buwan, sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Association na suportado nito ang imbestigasyon ng DepEd hinggil sa di umano’y “ghost students”.
Binigyang diin nito ang “more efficient” na pagtarget sa mga benepisaryo na makatutulong sa voucher program na mas ligtas mula sa potential fraud. ( Daris Jose)