• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:00 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P6 billion pondo para mapanatili ang free college education program… Mga bagong laptop para sa mga guro, nabili ng walang anomalya-PBBM

PINURI ni Education Secretary Sonny Angara ang pang-apat na State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na para sa Kalihim ay “simple yet powerful” message na nakatuon sa pang-araw-araw na paghihirap ng mga Filipino.

“I didn’t think the President could top last year’s SONA. But somehow, he has,” ang sinabi ni Angara.

Tanggap naman ni Angara ang para sa kanya ay “rare attention” na ibinibigay sa mga usapin ng edukasyon sa naging talumpati ng Pangulo, tinukoy naman ang pangako ng Pangulo na pagaanin ang paghihirap na kinahaharap ng guro at mga estudyante.

Kabilang sa iba pang benepisyo na inanunsyo ng Pangulo para sa mga guro ay ang makatanggap ang mga ito ng bagong laptops para sa school year 2025-2026 at “we have made sure their procurement is not riddled with anomalies”.

Pinuri rin ng Kalihim ang naging anunsyo ni Pangulong Marcos na bagong college scholarship program na makatutulong na maitaas at maiahon ang mga Filipino mula sa kahirapan.

Tinuran ng Pangulo na magbibigay siya ng “Presidential Merit Scholarship”sa high school graduates na makatatanggap ng ‘high honors.’

Nangako rin ang Pangulo na magtatayo ng 40,000 na bagong silid-aralan bago matapos ang kanyang termino sa 2028 sa layuning tuldukan na ang ‘classroom shortage crisis’ dahilan para mapilitan ang milyong estudyante na mag-aral sa ‘overcrowded spaces.’

Nanawagan naman ito sa 20th Congress na maglaan ng sapat na pondo para sa school infrastructure program ng DepEd.

“[The situation of our students] is really disheartening. Their time in class should no longer be cut short due to a shortage of classrooms,” ayon sa Pangulo sabay sabing “With the help of the private sector, we will strive to build 40,000 more classrooms before the end of our administration.”

Maliban sa mga bagong silid-aralan, nangako naman si Pangulong Marcos na maghahatid ng iba pang learning essentials, gaya ng smart televisions, free Wi-Fi, at free load sa pamamagitan ng Bayanihan SIM card para tulungan ang mga estudyante na maka-cope sa mga pangangailangan ng postpandemic curriculum.

Winika pa nito na ang administrasyon ay maglalaan ng P6 billion sa pondo para mapanatili ang free college education program at technical and vocation education scholarships. (Daris Jose)