P6.793 trilyong 2026 national budget isosoli ng Kamara sa DBM
- Published on September 5, 2025
- by @peoplesbalita

Sa biglaang press briefing, sinabi ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na napagdesisyunan nilang ibalik ang panukalang pondo sa DBM upang irebyu at isaayos muna ito.
Tinukoy ng mga mambabatas na nadiskubre nila ang ilang seryoso at paulit-ulit na anomalya sa preparasyon ng 2026 National Expenditures Program (NEP) partikular na ang DPWH, DILG, PNP at Department of Agriculture.
Ang hakbang ay matapos masilip ng mga mambabatas ang panukalang pondo ng DPWH na nasa P881.3 bilyon na may maraming items sa 2026 NEP na sa kabila na tapos na ang proyekto ay muli pang nilagyan ng badyet.
Kabilang sa nasilip ang magkakatulad na bilyong halaga ng pondo sa mga proyekto ng DPWH na copy-paste ang inilagay na alokasyon, doble-doble ang pondo sa mga natapos na proyekto, oversize na lump sum at iba pa.
Ang mga insertions sa pondo ay nanggaling umano mismo sa ahensya pero ang mga Kongresista ang nasisi dahil dumadaan ito sa deliberasyon sa Kamara.