• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:20 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P50 milyong pondo, sa pagsasaayos ng LTO at LTFRB office – DOTr

NAG -REALLOCATE ang Department of Transportation (DOTr) ng P50 milyon mula sa budget ng ahensiya para sa pagpapahusay ng mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Nabatid na ang naturang pondo ay unang inilaan sa mga bagong sasakyan para sa DOTr Central Office subalit ipinagpaliban ni DOTr Acting Giovanni Lopez ang proyekto upang bigyang-daan ang pagsasa-ayos ng mga pasilidad ng LTO at LTFRB.
Ayon kay Lopez, kabilang sa isasagawang improvements ay kinabibilangan ng instalasyon ng air conditioning units, probisyon ng water dispensers at pagbili ng mga sapat na upuan at iba pa, na para sa pagpapahusay ng waiting areas sa LTO at LTFRB offices.

Inatasan rin niya ang LTO at LTFRB na i-optimize ang paggamit ng reallocated funds, na balido hanggang sa katapusan ng 2025.
“Ginagawa natin ito dahil mas importante sa amin sa DOTr na may maayos na pasilidad ‘yung mga kababayan natin. Mas mahalaga ang mga ‘yan kaysa sa mga bagong sasakyan na pwede namang i-procure kahit sa susunod na taon,” pahayag pa ni Lopez.