P400K bulto ng pera, kumpiskado sa pasaherong Pinay sa NAIA
- Published on March 14, 2020
- by @peoplesbalita
INARESTO ng Bureau of Customs-Port NAIA ang isang pasaherong Pinay na tangkang maglabas sa bansa ng P400,000 na walang kaukulang permiso o otorisasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Nilabag ng pasahero ang Manual on Cross Border Local Foreign Exchange Transaction sa ilalim ng circular no.922 series of 2016.
Hindi naman pinangalanan ang nasabing pasahero na kasa-lukuyang nakaditine at nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paglabag sa Section 36 ng New Central Bank Act (NCBA) at Section 1401 ng Customs Modernization and Tariff Act na may penalty na hindi bababa sa P50,000 pero hindi lalagpas sa P200,000 o pagkakakulong ng hindi bababa sa dalawang taon o higit sa sampung taon o pareho depende sa korte.
Pinayuhan naman ng BOC ang publiko na ang cross border transaction ng local currency, kung ang pag-export o import ng pera na lalagpas sa P50,000 ay kailangan ng written priority authority mula BSP. (Daris Jose)