• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 5:57 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P289 bilyon sa 2025 budget ‘isiningit’ sa bicam – DPWH

Kinumpirma ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at iba pang mga opisyal ng ahensiya na ang ‘insertions‘ o pagsi­singit ng pondo sa 2025 national budget ay nangyari mismo sa Bicameral Conference Committee (Bicam) at hindi sa small committee ng Kamara.
Sa pagtatanong ni Marikina Rep. Miro Quimbo ay inihayag ito ni Dizon at ng iba pang mga opisyal ng DPWH kaugnay ng isinagawang pagsusuri sa kinukuwestiyong pondo ng ahensya sa kontrobersiyal na infrastructure projects kabilang na ang mga ghost at substandard ang ginamit na materyales na umaabot sa trilyong halaga sa loob ng ilang
taon.
“Kung dito pa lang binabawasan, paano ka magsisingit? Binawasan nga ng P73.7 billion ng House. So how can you have an insertion?,” kuwestiyon ni Quimbo na pinuna kung bakit matapos ang Bicam, ay lumobo sa P1.13 trilyon ang itinaas ng pondo ng DPWH o dagdag na P289 bilyon.
Kinumpirma naman nina DPWH Undersecretary Ador Canlas at Director Alex Bote na walang alam ang ahensya dito matapos ang deliberasyon sa ple­naryo ng Senado at nadiskubre lamang ito sa ipinalabas na General Appropriations Act.