• March 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P23.96M pinsala ng M6.6 lindol sa Masbate – DPWH

Tinatayang aabot sa P23.96 milyon ang pinsala sa imprastraktura na dulot ng magnitude 6.6 lindol sa Masbate, batay sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Kasama sa napinsala ang ilang mga daan na P5.64 milyon; P8.96 milyon sa tulay; at P9.35 naman sa pampublikong gusali.

 

Nakita ang mga pinsala sa kalsada sa Uson, Palanas, Cataingan, at Placer maging ang Cataingan-Poblacion Road sa Barangay Poblacion, Cataingan, Masbate.