P222.2 million settlement sa mga residente ng Corinthian Gardens ibinayad ng pamahalaan para sa MMSP
- Published on October 20, 2025
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang matagal na negosasyon sa mga residente ng Corinthian Gardens, pumayag na rin sila na bayaran ng P222.2 million para sa easement na gagamitin ng Metro Manila Subject Project (MMSP). Pumayag na rin ang mahigit na 300 residente ng ekslusibong subdivision sa panguguna ng kanilang Corinthian Gardens Association, Inc.(CGAI) na tanggapin ang offer ng pamahalaan upang hindi na humantong sa matagal na court battle at naisip rin nila na baka hindi pa sila mabayaran kung hindi sasangayon sa pamahalaan Isang “deed of easement” sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at ng CGAI ang nilagdaan sa panguguna ng DOTr noong September 28 ang ginawa. Ang nasabing kasunduan ay nagbibigay ng karapatan sa pamahalaan na magtayo ng ika-17 istasyon para sa $9 billion na MMSP na ilalagay sa nasabing gated na kumunidad. Kasama sa kasunduan ay ang limang (5) road lots at isang (1) open area na nasa loob ng nasabing subdivision. Nilagdaan ang kasunduan matapos pirmahan ni President Ferdinand Marcos, Jr. ang batas tungkol sa Accelerated and Reformed Right-of-Way (ARROW) Act o ang tinatawag na RA 12289. Ang batas ay isang bago at importanteng amended na batas ng 2016 Right-of-Way Act upang maging mabilis ang pagbili ng mga lupa na kailangan para sa mga kritikal na proyektong pang inprastruktura.“As the ARROW Act kicks in, the government will no longer provide cash compensation for easements, prompting Corinthian residents to act before the cutoff date,” wika ng DOTr. Ang ARROW Act ay isang bagong batas na ginawa ng 20th Congress at nilagdaan ni President Marcos noong nakaraang September 12 na pinadadali ang proseso sa pagkuha ng mga lupa na dadaanan ng mga infrastructure. Nagbabawal din sa ilalim ng batas ang maghain ang complainant ng temporary restraining orders (TROs) na siyang magiging sanhi ng pagkabalam ng mga proyekto ng pamahalaan.
Kasama rin sa nasabing batas ang proyekto tungkol sa public-private partnerships (PPPs), foreign-assisted initiatives, at utilities relocation. Kadalasan ay ang mga TROs ang siyang nagiging sanhi upang ang isang proyekto ng pamahalaan ay mabalam. Ang 33-km MMSP ay isang game-changing na proyekto na siyang magdudugtong sa parte ng northern Metro Manila patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Tinatayang magkakaroon ng partial na operasyon sa 2028 hakbang ang full na opesyon ay magaganap sa taong 2030. LASACMAR