P20/kg bigas ilulunsad na nationwide
- Published on July 30, 2025
- by @peoplesbalita
IPINANGAKO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) na palalawakin ang P20 rice program sa buong bansa.
Ayon kay Marcos, naglaan ang gobyerno ng P113 bilyon para palawakin ang programa kaya malapit nang mabili ang bigas sa halagang P20 kada kilo sa mga KADIWA store sa buong bansa.
Sinabi rin ni Marcos na ang P20 kada kilo ng bigas na programa ay inilunsad sa mga lalawigan tulad ng Pangasinan, Cavite, Occidental Mindoro, Cebu, Bacolod, Guimaras, Siquijor, at Davao del Sur.
Dahil aniya sa inilaang pondo ay mapapalakas ang programa ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng daang-daag KADIWA stores at centers sa iba pang lokal na pamahalaan.
Kasalukuyang nagbebenta ang gobyerno ng P20/kilo ng bigas sa ilang marginalized sectors, kabilang ang mga persons with disabilities (PWDs), solo parents, 4Ps beneficiaries, at senior citizens.
Ang P20 kada kilo ng bigas ay isa sa ipinangako ni Marcos sa kanyang pinaka-unang SONA.