• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:32 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P155K tobats, nasabat sa Malabon, Navotas drug bust  

UMABOT sa mahigit P155K halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga na naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

          Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang buy bust operation, sa koordinasyon sa PDEA kontra kay alyas “Nico”, 20, ng Pampano St., Brgy. Tonsuya, nang magpositibo ang tanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta ng droga ng suspek.

          Nang tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad sinunggaban ang suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong ala-1:50 ng madaling araw sa Dulong Roque, Brgy. Tonsuya.

          Nakumpiska ng mga tauhan ni Col. Baybayan sa suspek ang nasa 12.5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P85,000 at buy bust money.

          Sa Navotas, natimbog naman ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang notoryus drug personality na si alyas “Andeng”, 37, ng Brgy. Tangos South, nang kumagat sa ikinasang buy bust sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque dakong alas-7:45 ng gabi.

          Nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 10.3 grams ng umano’y shabu na may katumbas na halagang P70,040 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang pirasong P1,000 boodle money.

          Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni P/BGen. Josefino Ligan, District Director ng Northern Police District ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at pagsisikap sa paglaban sa illegal na droga. (Richard Mesa)