• April 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P112 milyon gagastusin ng DepEd sa mga iskul na nawasak kay ‘Karding’

AABOT  sa mahigit P112 milyon ang inisyal na halagang kakailanganin ng Department of Education (DepEd) sa pagkukumpuni ng mga paaralang winasak ng super bagyong Karding.

 

 

Sa preliminary assessment report ng Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, 20 paaralan ang nagtamo ng infrastructure damage na matatagpuan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, National Capital Region (NCR), at Cordillera Administrative Region (CAR).

 

 

Samantala, nasa 12,174,549 mag-aaral din mula sa 21,509 paaralan ang naapektuhan ng bagyo, kabilang na ng suspensiyon ng klase.

 

 

Mayroon ding 107 school divisions na naapektuhan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, NCR, at CAR.

 

 

Samantala, 327 paaralan ang ginamit na evacuation centers, kabilang ang 259 na hanggang ngayon ay tinutuluyan pa rin ng mga evacuees.(Daris Jose)