P1,000 allowance sa bawat estudyante, ipinamigay ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste sa Batangas
- Published on July 12, 2025
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ni Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste ang pagbibigay ng P1,000 allowance sa mga estudyante.
Bilang panimula, namahagi si Leviste ng allowance sa may 150,000 mag aaral sa unang distrito ng Batangas.
Sa pamamagitan ng Lingkod Legarda Leviste Foundation, nagpamahagi si Leviste ng allowances sa elementary at high schools sa Nasugbu, Lian, Calatagan, Tuy, at Balayan nitong July 11, 2025.
Susundan ito sa Calaca, Lemery, at Taal. makukumpleto ni Leviste ang pamamahagi ng allowance bago matapos ang buwan sa bawat estudyante sa Batangas ng walang gastos sa gobyerno.
Sa House Bill No. 27, ipinanukala nito ang National Student Allowance Program upang mabigyan ang bawat Filipino student, mula kindergarten hanggang college, ng ₱1,000 allowance upang matulungan na mapunan ang basic needs nito tulad ng pagkain, transportation, at school supplies.
Ito ay sa kundisyon na nakasunod ang estudyante sa minimum attendance requirements.
Habang nakakuha ng suporta ang panukala, nakaharap naman ito sa hamon ng pondo mula sa gobyerno.
Personal na pinondohan ni Leviste ang nasabing allowances sa kanyang distrito.
Naniniwala ito na makakatulong ang programa para mapabuti ang academic performance ng mga Filipino students, mabawasan ang kahirapan at maitaas ang long-term competitiveness.
(Vina de Guzman)