P100 milyong ayuda ng Metro Manila mayors sa nasalanta ni ‘Odette’
- Published on December 27, 2021
- by @peoplesbalita
Mula sa konseptong “We Vax as One”, nagkasundo ang Metro mayors na hindi lang sa pagbabakuna sa labas ng kanilang nasasakupan, niyakap na rin ang pagtulong sa iba pang local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Odette.
Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), nagkaisa ang mga alkalde na magpalabas ng pondong P100-milyon mula sa savings ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa ibibigay na tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
“We are going to prioritize local government units stricken by tropical cyclone wind signal number 4 of typhoon Odette,” ani MMDA Chairman Atty. Benhur Abalos.
“This financial aid will help especially in this trying times. It’s Christmas after all, a time of sharing and giving,” ani Abalos
Ani Abalos, mas pinili nila na magbigay ng financial aid para makatulong sa mga nabiktima ng bagyo at upang makabangon sa halip na relief goods na mahihirapan pang ibiyahe sa kanilang mga lugar dahil sa mga kanseladong flights. (Daris Jose)