• April 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1 bilyon sa health workers na nagka-COVID-19, inilabas

MAHIGIT sa P1 bilyon ang inilabas ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) para sa sickness at death bene­fits ng public at private healthcare workers at mga hindi health workers  na tinamaan at matatamaan ng COVID-19 habang nagsisilbi sila sa gitna ng pandemya.

 

 

Sinabi ng DBM na sakop nito ang mga nagkaroon ng mild o moderate COVID-19 infection na makakatanggap ng P15,000 habang ang mga nasapul naman ng severe o critical ay bibigyan ng P100,000 bilang kompensasyon.

 

 

Makakatanggap naman ng P1 milyon ang mga pamilya ng HCWs at non-HCWs na nasawi sa COVID habang nasa duty.

 

 

Ang pagtukoy ng eligible HCWs at non-HCWs ay nakabase sa criteria na itinakda ng health department.

 

 

Ang pondo ay manggagaling sa regular budget ng DOH sa ilalim ng Fiscal Year 2022 General Appropriations Act at ili­lipat sa DOH-retained and corporate hospitals, DOH Treatment and Rehabilitation Centers, at Centers for Health Development, at iba pang attached ins­titutions.

 

 

Tiniyak naman ng departamento na ipagpapatuloy nito ang timely approval ng budget para sa frontliners.