• April 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Operasyon ng libreng Bus Ride sa Quezon City, balik operasyon

BALIK operasyon na ulit simula ngayong Linggo ang Libreng QC Bus Ride para magsakay ng mga pasahero partikular ng mga QCitizens sa may walong ruta sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City.

Ito ayon kay Mr. Dexter Cardenas, hepe ng QC Traffic and Transport Management Department ay makaraan ang ilan araw ding suspension ng operas­yon mula noong Huwebes Santo April 2 hanggang nitong nagdaang Sabado April 3 para sa paggunita sa Semana Santa.
Inaasahan aniya na mas maraming pasahero ang maseserbisyuhan ngayong pabalik na sa kani- kanilang tahanan ang mga nagbakasyon noong Kuwaresma.

Nasa higit apat na libong pasahero ang naseserbisyuhan ng QC bus Free Ride sa isang araw hindi lamang taga-QC kundi maging mga commuters na mula sa mga karatig lungsod ng QC.
Ang walong ruta ng QC Bus Free ride ay QC Hall papuntang Cubao, QC Hall papuntang Litex-IBP road, Welcome Rotonda papuntang Aurora-Katipunan, QC Hall papuntang General Luis,QC Hall papuntang Mindanao Avenue, QC Hall papuntang Gilmore, QCHall papuntang Ortigas at QC Hall papuntang Munoz at vice Versa.
( Vina de Guzman)