Open bicam sa budget suportado
- Published on July 6, 2025
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng buong suporta si Re-elected Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa panukalang nuksan sa publiko ang bicameral conference committee deliberations sa national budget.Kaisa ang mambabatas kay Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa pagsuporta sa pagbubukas ng traditional na closed-door bicam sa publiko.
“Nauna na pong nagpahayag ng suporta si Speaker Martin Romualdez tungkol po sa kanyang suporta sa open bicam, and I think it resonates well with many of the members of Congress. Kaya po ako, buo ang suporta natin sa panawagang maging transparent, accountable, at bukas ang proseso ng bicameral conference committee sa kadahilanang ito ay pamamaraan para mas maintindihan ng ating mga kababayan ang kabuuan ng proseso ng pagpapanday ng mga batas at polisiya natin,” dagdag nito.
Una nang inihayag ni Romualdez ang pagsuporta nito sa mas bukas at transparent na bicameral conference process para sa national budget, na nagsabing nararapat na batid ng publiko kung saan inilalaan ang kanilang pera.
(Vina de Guzman)