Online fixers, binalaan ng LTO
- Published on July 11, 2022
- by @peoplesbalita
BINALAAN ng Land Transportation Office (LTO) ang mga online fixers na nag-aalok ng serbisyo sa pagre-renew ng rehistro ng mga sasakyan sa social media.
Ang hakbang ay ginawa ni LTO OIC Romeo Vera Cruz nang maaresto ang ilang indibidwal na nag-aalok ng non appearance na rehistro ng mga sasakyan online.
“Will relentlessly operate against these spurious individuals in [its] effort to clean up the bureaucracy to protect its clients.” pahayag ni Vera Cruz.
Pinaalalahanan naman nito ang publiko na huwag makikipag transaksyon sa mga fixers lalo na sa online upang hindi maloko.
Ito’y matapos na madakip ng mga tauhan ng Quezon City District – Anti-Cybercrime Team (QCD – ACT) ang mga suspek na sina Jefferson Uy, 38, at Arnel Miranda, 55, na umano’y nag-aalok ng nasabing ilegal na serbisyo online. (Daris Jose)