• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 7:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

One-strike policy vs. corrupt engineers

NANAWAGAN si Las PiƱas Lone District Rep. Mark Anthony Santos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad magpatupad ng one-strike policy laban sa mga personnel, partikular na ang mga district engineers na napatunayang sangkot sa korupsyon o iregularidad sa kanilang hurisdiksyon.
Ayon kay Santos, importante na magkaroon ng agarang aksyon upang maibalik ang tiwala ng publiko at masiguro na ang pondo para sa imprastraktura ay nagagamit ng tama at transparent para na rin sa ikabubuti ng komunidad.
“Public works projects are vital to national development. We cannot allow corrupt practices to compromise the quality, safety, and integrity of these initiatives. DPWH Secretary Manuel Bonoan must adopt a zero-tolerance approach, and that starts with immediately removing officials involved in anomalies,” anang mambabatas.
Isinuwestiyon pa ng bagitong mambabatas na ilipat o ilagay sa floating status ang sinumang district engineer na napatunayang sangkot sa korupsyon, ghost projects, bribery mula sa contractors, at iba pang anomalya.
Inihalimbawa nito ang ginawa ng Philippine National Police may limamg taon na ang nakalilipas na one-strike policy sa kampanya nito laban sa illegal gambling, agad na pag-relieve sa station commanders na nabigong umaksyon laban sa naturang aktibidad sa kanilang lugar.
Ganito ring polisiya ang ipinatupad sa mga hepe ng pulisya na ang subordinates ay nahuli o nakasuhang sangkot sa illegal drugs.
(Vina de Guzman)