• March 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron XE makakapasok sa Pinas sa Mayo

NAGBABALA ang grupo ng mga doktor na posibleng makapasok na at maramdaman sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo kung magpapatuloy ang mababang bilang ng nagpapa-booster shot kontra COVID-19.

 

 

Sinabi ni Philippine College of Physicians (PCP) president Dr. Maricar Limpin na bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines na magreresulta ng pagkakalantad nila sa impeksyon ng mga bagong variants ng virus na higit na nakakahawa ngayon.

 

 

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 12.2 milyong indibidwal pa lamang ang nakatanggap ng booster shots habang 66.2 mil­yong Pilipino na ang ‘fully-vaccinated’.

 

 

Sa kabila naman na wala pang pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa at hindi pa natutukoy ang Omicron XE, malaki ang posibilidad na makapasok rin ito sa Pilipinas lalo na’t bukas na ang lahat ng borders ng bansa sa mga dayuhang biyahero at turista. (Daris Jose)