• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ombudsman, DOJ binira… Revilla: Kaso ‘moro-moro’, minadali

TINAWAG na ‘moro-moro’ ni human rights advocate Atty. Lorna Kapunan ang paraan ng paghawak ng Office of the Ombudsman at Department of Justice (DOJ) ang kasong malversation na isinampa laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Ayon kay Kapunan, halatang inapura o minadali at lumabag sa due process ang mabilis na pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Revilla na halos isang oras lamang ang pagitan matapos maipadala ang records ng kaso sa Third Division ng Sandiganbayan.
Ani Kapunan, nakababahala umano ang ipinapakitang paraan ng Ombudsman at DOJ kung saan binabaluktot ang batas para sa political interest ng iilan.
“Mula sa records, mukhang hindi man lang nabigyan si Revilla ng kopya ng Complaint-Affidavit, tanging motion lang na isama siya bilang respondent”, ani Kapunan.
Bagama’t may kalayaan ang prosecution sa pagtukoy ng charges base sa ebidensiya, hindi ito dapat maging dahilan para labagin ang karapatan ng akusado na ipagtanggol ang sarili.
Sinabi ni Kapunan na malinaw na ang mga aksyon ay maituturing na ‘railroading’ para maipatupad agad ang warrant laban kay Revilla. ( Daris Jose)