Olympic gold medalist Hidilyn Diaz dinapuan ng COVID-19
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
DINAPUAN ng COVID-19 si Tokyo Olympic gold-medalist weightlifter Hidilyn Diaz.
Sa kanyang Instagram account, ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang COVID-19 test result.
Pinayuhan nito ang mga fans na sumunod sa ipinapatupad na health protocols.
Nakatanggap na rin ito ng COVID-19 booster shots noong Enero 4 sa Quezon City at nanawagan din sa iba na magpa-COVID-19 booster shots na rin.