Okay na sila at naka-move on na: MIKAEL, umiwas magsalita sa naging issue ni MEGAN sa Miss World 2024 pageant
- Published on March 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAG-RENEW ng kanyang exclusive contract with GMA si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose last March 12.
Labis ang pasasalamat ni Julie sa GMA dahil sa magandang career na binigay sa kanya simula pa nung naging contestant siya sa Popstar Kids noong 2005.
“GMA Network, thank you so much for believing in me, my talents, and my capabilities. I also want to thank Sparkle, thank you so much po. Sa GMA Entertainment Group, thank you for allowing me to grow and to all the people I’ve worked with, GMA Synergy even GMA News, and sa GMA Pictures din po.
“Kaya nga tinawag na Kapuso kasi dito, mafe-feel mo yung love ng mga tao na nakasuporta sayo, at tumutulong sayo na mag-improve sa craft mo. Dito ko nakita at naramdaman yun, with GMA. That’s why I’m forever proud to be a Kapuso,” sey ni Julie.
Sa April ay lilipad for Canada ang JulieVer para sa show na Sparkle Goes To Canada on April 5 sa Calgary at April 7 sa Toronto. Both shows are directed by Johnny “Mr. M” Manahan.
Makakasama nila sa dalawang shows ang Sparkle couple na sina Bianca Umali and Ruru Madrid at Sparkle loveteam na BarDa nila Barbie Forteza and David Licauco. At ka-join din si Boobay.
***
UMIWAS na magsalita si Mikael Daez tungkol sa naging issue ng kanyang misis na si Miss World 2013 Megan Young sa nakaraang Miss World 2024 pageant.
Umani kasi ng batikos si Megan pagkatapos nitong ayusin ang buhok ni Miss Botswana onstage at siya ang sinisi ng mga Botswanians kung bakit ito natalo dahil minalas ang kanilang kandidata sa ginawa ni Megan.
Nag-issue naman agad ng public apology si Megan dahil hindi niya alam na mali ang ginawa niya.
Sagot lang ni Mikael: “We’re good. Tapos na ‘yun. We moved on and enjoy life.”
Mas pinag-usapan ni Mikael sa ‘Best Time Ever’ mediacon ay ang upcoming second season ng ‘Running Man Philippines’ kunsaan ang bagong runner nila ay si Miguel Tanfelix.
“In fairness kay Miguel, sobrang nag-enjoy kami. Talagang walang problema with him jumping in kaya nakakatuwa. Mararamdaman niyo ‘yun.
“Ngayon kasi, close na talaga kami at talagang ‘yung friendship namin talagang nag-solidify. Iba kasi ‘yung nagiging jokes, comedy, at mga sitwasyon na lumalabas ‘pag talagang komportable talaga sa isa’t-isa,” sey ni Mikael na nangatog ng husto sa sobrang lamig sa South Korea.
(RUEL J. MENDOZA)