OCD, naghahanda para sa posibleng mas mataas na alert level bunsod ng Bulkang Kanlaon
- Published on December 28, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ng Office Civil Defense (OCD) na naghahanda na ito para sa posibleng pagtataas sa alert level matapos makita ng mga eksperto ang tatlong potensiyal na senaryo kaugnay sa situwasyon sa Kanlaon Volcano.“We are preparing for a heightened alert level, and (the Philippine Institute of Volcanology and Seismology) has advised us to maintain Alert Level 3. Preparations are underway in Himamaylan City, where we are establishing a tent city in anticipation of a possible escalation,” ang sinabi ni Regional Task Force Kanlaon chairperson Raul Fernandez sa isang kalatas.
Sinasabing may itatayong mga tolda sa bayan ng Vallehermoso at Guihulngan City.
Tinukoy ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sinabi ng OCD na ang pagragasa ng lava , marahas na pagsabog o isang plateau na volcanic activity ang maaaring mangyari sa bulkan.
Base sa kanilang assessments at paghahambing sa ibang aktibong bulkan, sinabi ni Fernandez na ang mga nakalipas na pagsabog ay maaaring mauwi sa pagragasa ng lava.
Sa ulat naapektuhan ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon ang 21,889 katao o 7,153 pamilya sa 21 barangay ng Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Murcia, Pontevedra, at San Carlos.
Maaari namang maapektuhan ng ashfall ang mga lugar na malapit sa bulkan dahil sa masamang panahon na nangingibabaw at umiiral sa Cadiz City, Manapla, Sagay City, at Victorias City.
Naapektuhan naman ng pag-ulan ang 7,320 katao o 2,305 pamilya. (Daris Jose)