• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:36 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero, kalaboso sa pagdadala ng baril sa Caloocan

BINITBIT sa selda ang 24-anyos na obrero matapos inguso ng kanyang mga ka-lugar na may dalang baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Caloocan City Police OIC chief P/Col. Joey Goforth sa Brgy. 175, Camarin nang lapitan ng isang residente sa Sitio Matarik dakong alas-12:30 ng madaling araw at isinumbong ang pabalik-balik na paglalakad ng suspek habang may bitbit na baril.

Nang magtungo sa naturang lugar ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11, inabutan pa nila ang suspek na palakad-lakad habang may hawak na armas kaya’t maingat nilang nilapitan at tinanong kung may dokumento ang hawak nab aril.

Dahil walang maiprisintang legal na dokumento ang suspek na si alyas “Junior”, inaresto siya ng mga pulis at kinumpiska ang hawak na kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, sasampahan nila ng kasong paglabag sa the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa piskalya ng Caloocan City. (Richard Mesa)