• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 12:06 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold

Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan.

 

 

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon.

 

 

“We are saddened to confirm that Sam Kendricks tested positive for Covid-19 and will not compete in the Olympic Games Tokyo 2020,” pahayag kahapon ng US Olympic and Paralympic Committee (USOPC) sa isang statement sa Twitter.

 

 

Si Kendricks ang kasalukuyang World No. 2 pole vaulter na lumundag ng gold medal sa nakaraang dalawang World Cham­pionships at may hawak na American record na 6.06 metro.

 

 

Maliban kay Kendricks, makakasukatan din ni Obiena sa Tokyo Games sina Swedish world record holder Armand Duplantis at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil.