• February 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Number coding suspendido sa Chinese New Year – MMDA

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang expanded number coding scheme sa Pebrero 17, para sa pagdiriwang ng Chinese New Year.

“Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding scheme sa Martes, Pebrero 17, 2026, isang special-non working holiday, bilang pagdiriwang ng Chinese New Year,” ayon sa Facebook post ng MMDA .

Awtomatikong sinususpinde ang number coding tuwing official at special non-working holidays.

Ayon pa sa post, ina­asahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga lugar tulad ng Binondo sa Maynila kung saan isinasagawa ng mga Tsinoy ang kanilang tradisyon kaya nagpaa­lala na rin na planuhin ang pagbiyahe, sumunod sa trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho.