Number coding pinag-aaralang palawakin sa Alert Level 1
- Published on February 26, 2022
- by @peoplesbalita
PINAG-AARALAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapalawak sa number coding scheme sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa oras na ipatupad na ang Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR).
Ito ang inihayag ni MMDA Officer-in-Charge at General Manager Atty. Romando Artes matapos nga ang ginawang rekomendasyon ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ilagay na sa Alert Level 1 ang rehiyon.
Gayunman, sakaling aprubahan, ang expanded number coding anya, ay hindi kaagad-agad paiiralin sa simula ng pagpapatupad ng Alert Level 1.
Una aniyang, pag-aaralan ang epekto sa mga unang araw kung ano ang magiging sitwasyon ng trapiko at kabilang sa ikinukonsidera ang kakulangan pa ng public transportation na posibleng magpahirap sa publiko sakaling maluwag na ang galawan sa Metro Manila.
“We are expecting that once Metro Manila is de-escalated to Alert Level 1, the traffic situation will be heavier…Right now, we are already seeing that the traffic situation on some roads is slow to moderate, but there are certain times where the situation is like this,”ani Artes.
“We are studying to widen the coverage of our modified number coding scheme from 7am to 9am. I have met with the district heads of our Traffic Discipline Office. Based on their assessment, from 10am-5pm, light traffic situation is observed on major thoroughfares,” ani Artes.
Sa kasalukuyan, umiiral lang ang number coding tuwing weekdays sa tuwing alas 5:00 ng hapon at hanggang alas 8:00 ng gabi, maliban sa holidays, para sa mga pribadong sasakyan. (Gene Adsuara)