Normal naman talaga ito sa mga nagkaka-edad na… LUIS, ‘di itinago ang pag-undergo sa colonoscopy at gastroscopy
- Published on March 21, 2026
- by @peoplesbalita
HINDI itinago ng Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano ang pag-undergo sa colonoscopy at gastroscopy na bahagi ng kanyang executive check-up.
Masaya naman si Luis dahil naging maayos naman ang resulta ng kanyang mga tests.
Isang mini vlog ang kanyang in-upload sa Instagram post…
“Dahil ako ay medyo may edad na, kailangan na ng colonoscopy at gastroscopy. Every year may executive check-up ako pero sabi nila kapag 40s, kailangan na ng endoscopy kung saan may inilalagay na kamera sa puwet at kapag may nakitang polyps ay tatanggalin na nila,” pahayag ni Luis.
Normal naman talaga ito lalo na sa may mga edad na.
“Minsan kahit anong executive check-up up mo, traydor ang C (cancer). Alam mo na, traydor ‘yun lalo na sa mga hindi nahahagip ng ultrasound,” pahayag pa ni Luis.
Say pa niya, ito ay para agapan kung sakaling may mga polyps at upang maiwasan kung mayroon mang cancer cells na makita.
Ipinaliwanag rin niya na hindi niya kasama ang asawang si Jessy Mendiola nang mag-overnight sa hospital dahil walang magbabantay sa anak nilang si Rosie.
Naging maganda nga ang resulta at walang makitang polyps ang mga doktor sa kanyang stomach.
(ROHN ROMULO)