NO FACE SHIELD NO MASK NO REGISTRATION POLICY
- Published on August 21, 2020
- by @peoplesbalita
MAHIGPIT na ipatutupad ang “No face mask No face shield, No registration policy” sa pagpapatuloy ng voters registration sa Setyembre 1.
Ilan sa mga lugar na magreresume ng voters registration ang Metro Manila na nasa ilalim nan g General Community quarantine o GCQ.
Habang ang mga lugar na nasa Enhanced Community Quarantine at Moderate Enhanced Community Quarantine ay pansamantala pa ring suspindido.
Ang pagpaparehistro ay mula Martes hanggang Sabado mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon
Upang organisado, maglalagay naman ng erxpress lane para sa mga buntis, senior at persons with disability o PWD. (GENE ADSUARA)