NO 1 MWP NG MPD ARESTADO
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na itinuturing na number 1 most wanted person (MWP) ng MPD- Station 7.
Madaling araw ng Martes nang madakma si Willy Boy Centeno , 31, tricycle driver, at residente sa Daang Bakal, Tondo, Maynila sa busa ng warrant of arrest .
Ayon sa MPD, nagsagawa ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement ang mga tauhan ng Station Warrant & Subpoena Section sa pangunguna ni PCPT Darwin Serna sa lugar upang isilbi ang arrest warrant laban sa akusado.
Inisyu ni Honorable Judge Cynara Hannah L. Cayton, Presiding Judge, RTC Branch 8, Manila ang warrant laban kay Centeno na may petsang November 4 dahil sa kasong murder .
Kasalukuyan nang nakadetine sa PS-7 Custodial Facility ang akysado habang hinihintay ang pagbalik ng kanyang warrant of arrest at commitment order mula sa korte. (GENE ADSUARA)