Niregaluhan ng isang luxe electric guitar: JULIE ANNE, nakatanggap ng early Christmas gift mula kay RAYVER
- Published on September 22, 2023
- by @peoplesbalita
MUKHANG nakatanggap nang maagang Christmas gift si Julie Anne San Jose mula sa kanyang boyfriend na si Rayver Cruz.
Niregaluhan ni Rayver ang isa sa coaches ng ‘The Voice Generations’ ng isang brand new Gibson electric guitar.
Makikita nga sa Instagram video ang pag-unbox ni Asia’s Limitless Star sa luxe guitar na isang 1963 SG Special in Classic White.
Ayon sa website ng Gibson, nagkakahalaga ng almost $5,000 ang naturang gitara na regalo ni Rayver kay Julie.
“Just one happy girl with a happy heart. Thanks my love sa surprise the best ka talaga,” caption pa ni Julie.
Sagot naman ni Rayver sa comment section ay: “I’m happy you’re happy, my love. I love you!”
Reply naman ni Julie ay: “I love youuu.”
Noong nakaraang June, bumili si Rayver ng custom Gibson Les Paul guitar bilang early birthday gift sa kanyang sarili. May price tag naman ito ito between $5,000-$10,000.
***
NAIKUWENTO ni Stell Ajero ang mga advantage at disadvantage ngayon na mas kilala na ang grupo nilang SB19 maging sa ibang bansa.
“Ang best po, siyempre ito kumikita and we can provide for our family, nakukuha namin ang gusto namin, may mga needs and wants din po kami.
“But ang kabaligtaran po noon, siyempre dahil nga po nakikilala kami, mas wala kaming time with our families, hindi namin sila masyadong nakikita, hindi namin sila nakakasama.”
Ayon kay Stell, mas malapit ngayon ang mga tinutuluyan ng mga miyembro ng SB19 mula sa kanilang mga pinagtatrabahuhan kaysa sa kani-kanilang mga tahanan.
Dahil dito, malayo rin sila kanilang mga pamilya.
“Other thing po is wala na kaming freedom to go outside. Though hindi naman kami malabas talaga. Pero ‘yung simpleng pagmo-mall sana na gusto naming gawin, hindi na talaga namin magagawa, kasi may mga instances na talagang may mga taong nakakakilala,” sey ni Stell.
Nilinaw naman ni Stell na wala namang problema na makilala sila ng mga tao pero iniiwasan nilang maging dahilan ng kaguluhan, at makaabala sa iba.
“Ayaw naming mag-cause ng commotion sa isang lugar na maaabala lang ang mga tao, so we choose to stay na lang sa bahay,” sey pa ng isa sa mga coach ng ‘The Voice Generations.’
Naging top hit ng SB19 kamakailan ang kanilang single na “GENTO” mula sa kanilang EP na “PAGTATAG!”
Katatapos lamang ng boy group ng kanilang ikalawang world tour at nakipagsanib-puwersa sa JVKE para sa isang concert sa Boston.
Magiging guest performer din ang SB19 sa Asia Artist Awards 2023. Makakasama nila roon ang Seventeen’s BSS, ONEUS, Kingdom, ATBO, LUN8, and HORI7ON.
The AAA 2023 will be held at the Philippine Arena on December 14 in collaboration with StarNews, TONZ Entertainment, and PULP Live World.
***
NAPILING makasama sa selection committee para sa Miss Universe Egypt si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi.
Tinawag nga si Celeste na “pride and the forever queen of the Philippines” at “celestial beauty with unparalleled charm and grace.”
Last month, naging part naman si Celeste sa mga umupong judges para sa Miss Universe Thailand 2023.
Ang 2023 Miss Universe pageant ay gaganapin sa El Salvador on November 18, at ang Kapuso star na si Michelle Marquez Dee ang magre-represent sa bansa.
(RUEL J. MENDOZA)