• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nilinaw na walang naging problema sa billing: BIANCA, na-starstruck kay NORA at blessing na makasama sa movie

SA Facebook, ibinahagi ng VIVA Films ang poster ng pelikulang ‘Mananambal’ (The Healer), na kung saan tampok ang National Artist for Film and Broadcast Arts at Superstar na si Nora Aunor na nasa gitna ng banner.
Nakasuot siya ng floral-patterned top, punum-puno ng emosyon ang kanyang mukha habang hawak na isang bote ng elixir at may mausok na backdrop.
Tampok din sa poster ang close-up ng teary-eyed na si Bianca Umali sa bandang kaliwa, at sa kanan ang supporting actors na sina Kelvin Miranda, EA Guzman, Jeric Gonzales, at Martin Escudero.
Ang “Mananambal” ay nagkukuwento ng isang Pilipinong practitioner ng tradisyunal na panggagamot na marunong ding magsagawa ng pangkukulam. Kinunan ito sa punum-puno ng misteryo pero may itinatagong ganda, ang isla ng Siquijor.
Mula ito sa direksyon ni Adolfo Alix Jr.
Sa media launch na ginanap sa Viva Cafe last Thursday, February 6, natanong si Bianca kung nagkaproblema ba sila billing, at base nga sa naturang poster ay nilakihan ng bahagya ang kanyang name at nasa ilalim ni Ate Guy.
“I want to clarify na the opportunity to work with the Superstar, with our National Artist is already a blessing.  And this opportunity na hindi ko talaga palalagpasin.
“Being with her on set, was a masterclass for me.  And was a dream I never thought I achieved this early in my career.  Kaya po ‘yung makasama ko si Ms. Nora, that’s already enough.
“Ako po bilang isang aktor, and the love that I have for my craft and the respect that I have for myself and for the industry, billing is not really a problem, it’s a bonus.  It’s something I don’t know between… internally.
“This question is something not I’m aware about. Bonus na lang po ‘yun, it is recognition for people to see and respect the way I do my work.
“Pero dito po sa ‘Mananambal’, napakatagal na panahon ko pong hinintay na maipalabas ang pinaghirapan namin at marami po itong pinagdaanan. Lalo na po ito ang pagbabalik-pelikula ni Ms. Nora Aunor, it’s all that matters.”
Nagkuwento naman si Bianca tungkol sa mga memorable moments niya nang makasama ang nag-iisang Superstar.
Una na rito nang first time nilang mag-meeting para sa movie kasama ang buong cast.  Hindi raw sila sigurado kung pupunta si Ate Guy, pero dumating siya sa venue.
“Noong dumating siya, parang nag-slow mo, pagpasok po niya, si Ms. Nora Aunor is lovable, tiny and huggable.  Meron pong ganun pakiramdam, parang gustong-gusto ko siyang hakapin.
“‘Yun din ang pinaka-unang beses na nakita ko ang mga mata niya. Noong nasilayan ko ang kinang ng mga mata niya, alam ko, kapag naka-eksena ko siya, ‘yun ang tatandaan ko na gusto ko ring ma-achieve.
“Isa sa gusto kong ma-achieve sa pag-arte ko, kapag ako ay nakarating din at papalarin na tumagal din sa industriyang ito.”
Dagdag pa niya, “nakapagpa-picture po ako sa kanya noon, bihira po ako ma-starstruck pero isa po yun sa mga moment na talagang nag-slow mo at parang tumigil ang mundo ko, uminit ang mukha ko nang magkatabi kami sa sofa.
“Sabi ko, ‘Ate Guy, puwede po ba magpa-picture dahil ipapakita ko sa lola ko kasi tuwang-tuwa po siya nang malamang may pelikula po tayo’.”
Isa pang hindi malilimutan ni Bianca ay, “‘yun final scene namin.  I was very nervous doing that scene, kaming dalawa lang magkasama sa set, together with Direk Adolf.  Nasa gitna kami ng bundok, may falls.
“It was not the very comfortable situation to be in.  Pero being there with her, and seeing her acting, as if she’s as young as she’s used to be, it was magical.
‘Yun po ang sinasabi kong it was a master class. Because no matter how cruel this world is, you hold what you love doing and you do it to inspire people.  And to be kinder to the people around you.”
Samantala, ang ‘Mananambal’ ay naging isa sa opisyal entry sa Jinseo Arigato International Film Festival, sa Nagoya, Japan na ginanap noong Mayo 25 at 26, 2024.
Sa naturang filmfest nakamit ni Bianca ang isa pang milestone sa kanyang showbiz career, dahil siya ang tinanghal na Best Dramatic Actress, na kung saan personal niya itong tinanggap.
Ang ‘Mananambal’ ay showing na nationwide sa February 19 na hatid BC Entertainment Productions at Viva Films.
(ROHN ROMULO)