Nililihis ni ex-Speaker Alvarez ang isyu – Rep. Gutierrez
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
INAKUSAHAN ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez nang paglilihis sa isyu ukol sa paghahain ng kaso ng huli laban sa ilang lider ng Kamara, kung saan nakuwestiyon ang timing nito.
Ang akusasyon ay ginawa ni Gutierrez matapos ihayag ni Alvarez, nagsilbing dating Speaker ng Kamara noong panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte, bilang tugon sa isyu ng timing ay lasing umano sa kapangyarihan at umaakto na parang korte.
Sinabi ng mambabatas na nirerespeto nito ang karapatan ng dating speaker at iba pang indibidwal na maghain ng kaso kaugnay sa kontrobersiyal na budget insertions at budget blanks.
“Personally, I don’t agree with the mode and I don’t agree with the timing po. I mean, there was this doubt regarding that. But then for that response po, I feel like nalilihis po ulit ‘yung issue instead of answering it head-on po. But then we respect it,” ani Gutierrez.
Ang paghahain aniya ng kaso ay ginawa matapos na i-impeach ng Kamara si Vice President Sara Duterte.
“Yung sa akin lang po, it’s just that the timing that it would come out after the news of the impeachment, ‘yun lang po ‘yung tanong namin dito last time. It’s not even about probable cause po. ‘Yung tanong lang po namin talaga is just the timing in general,” dagdag nito.
(Vina de Guzman)