Nilalambing na mag-guest sa kanyang vlog: GLADYS, umaasa pa na matutuloy ang movie kasama sina JUDY ANN, ANGELU at CLAUDINE
- Published on February 7, 2025
- by Peoples Balita
UMAASA pa ang Primera Kontrabida na si Gladys Reyes na matutuloy ang proyektong pagsasamahan nila ng mga kaibigan niyang sina Claudine Barretto, Judy Ann Santos at Angelu De Leon.Matandaang kay Gladys mismo narinig noon ang pagsasama nilang apat sa isang project pero nagkaroon lang ng isyu ng mismong si Claudine ang umayaw na mkasama si Angelu.
“Hindi pa nagma-materialize.
Pero alam mo in God’s perfect timing I believe, naniniwala ako talaga na maisasakatuparan ‘yan. Basta right time. “Siyempre, schedule ng bawat isa. Importante na magharap-harap and ano, ‘di ba? Maging okay ang bawat isa,” sey pa ni Gladys.
Hindi pa rin alam ni Gladys kung okay na sina Claudine at Angelu after magparinigan.
“Hindi ko alam kasi ‘di ko naman sila tinatanong about that. Pero actually ang nilalambing ko sa kanila, ‘Puwede ba kayo mag-guest sa vlog ko, together?’
“Sagot nila? Hindi, kasi ‘yung isa, busy pa sa kanyang political career. Tapos ‘yung isa naman nating kaibigan din s’yempre, uh, meron ding isang ibang pinagkakabisihan ngayon.
“Pero alam mo, feeling ko lang, ha, ganu’n ako kalakas sa kanila na hindi nila ako matatanggihan. Feeling ko lang,” seryoso pero natatawang pahayag ng magaling na aktres.
Samantala, tuwang-tuwa naman si Gladys sa kanyang nominasyon sa darating na PMPC Star Awards for TV bilang Best Actress in a Single Performance.
Nominated siya dahil sa mahusay na pagganap sa isang episode ng “Magpakailanman.”
***
SA punto ng showbiz career ngayon ng aktres na si Bea Alonzo ay mukhang hindi na priority ng aktres ang magpakasal at magkaroon ng anak.
After her break up with Dominic Roque at hindi nila itinuloy ang nakaplano na noon na pagpapakasal ng dalawa , huh!
At mukhang tumahimik ang kampo ni Bea at hindi na niya binigyan ng panahon ang kanyang love life at paghahanap ng kanyang Mr. Right.
Kumbaga, kapansin-pansin na sa kanyang career na lamang siya nag-concentrate at sa pagtutok sa kanyang mga negosyo.
Tanggap na rin naman ni Bea na sadyang hindi pa siya makatagpo ng lalaking magiging katuwang niya sa mga pangarap niyang bumuo ng isang masayang pamilya at malayo sa mga intriga sa showbiz, huh!
Banggit pa rin ng magaling na Kapuso aktres na hindi pa raw naman siya nawawalan ng pag-asa. Darating at darating din daw ang masasabi niyang “the one” .
Kung ibibigay sa kanya, ibibigay daw yun at hindi na niya kailangan na maghanap pa.
May nagsasabi raw na medyo mahihirapan daw na makahanap si Bea dahil mukhang na-intimidate ang mga lalaking gustong manligaw dahil napakayaman niya at sikat na sikat pa.
(JIMI C. ESCALA)