Ni-reveal na ang mga upcoming projects: SHARON, ‘di pinakawalan dahil sa ABS-CBN gagawa ng dalawang teleserye
- Published on May 25, 2023
- by @peoplesbalita
SA kanyang Facebook at Instagram account, nagbigay ng latest update si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang dearest fans na nag-aabang sa mga projects niya after na mag-announce last March na ‘free agent’ na siya.
Pero good news ang hatid ni Mega dahil hindi pa siya pinakawalan ng ABS-CBN dahil sa kanyang mother studio pa rin siya gagawa ng teleserye.
Panimula ni Sharon, “What I have for all of you, my dearest Sharonians!
“2 Teleseryes coming up! One with Tita Malou Santosβ group at ABS-CBN AND π(insert Streaming Service here!)π€, the other with Dreamscape, the people who brought you FPJβs Ang Probinsyano AND/OR π(insert Streaming Service here!)π€. ”
Bukod sa nabanggit na teleserye, meron pang mga kaaabang-abang ng projects.
“On the table: 3 Filipino movies, a Hollywood TV series, a Hollywood movie for cinematic release, another Hollywood series or TV movie. Details will come once these are confirmed!”
Ikinatuwa rin namin na babalik na siya sa paggawa ng albums at may big concert pa na dapat pag-ipunan.
“A new album of Odette Quesada songs, a Christmas album too! Also, you might want to save up and prepare for a BIG Concert in MOA in October – me and πππ???π₯Ήπ₯Ήπ₯Ή! I donβt think you would want to miss this!ππ₯°π€ππ» I love you all! God bless us!ππ»ππ»ππ»πππ.”
For sure, tuwang-tuwa ang mga Sharonians sa upcoming projects ni Mega at ngayon pa lang at mag-save na dahil marami tayong pagkakagastusan sa mga darating na buwan.
***
HINDI nga napigilang magpaka-fangirl ni Bela Padilla at ma-startstruck kay Song Joong-ki, ang lead star ng Netflix hit series na Vincenzo.
Napa-“sana all” na lang ang mga netizens sa IG post ng aktres na direktor, writer at producer na rin, nitong Martes, May 23, 2023, sa nakakikilig na photo nila ng isa sa South Korean superstar.
Ang naturang larawan na pinag-uusapan ng netizen ay kuha sa Cannes Film Festival sa France na kung saan pareho silang dumalo.
Pinasalamatan naman ni Bela si Direk Adolf Alix Jr. na tulay para makapagpa-selfie siya kay Song Joong-ki.
Sa caption ni Bela, βGood morning.
β(Heβs so chill and friendly ????)
βThank you for pointing him out direk @aalixjr.β
Nakaaaliw naman ang naging komento sa mga celebrity friends ni Bela sa kanyang IG post.
(ROHN ROMULO)