• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NHA, PhilFIDA lumagda ng kasunduan para sa paglulunsad ng livelihood training

LUMAGDA ng isang Memorandum of Agreement (MOA) ang National Housing Authority (NHA) at ang Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA), na layuning magbigay ng mga programang pangkabuhayan sa mga benepisyaryo ng NHA. Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang PhilFIDA ng mga pagsasanay sa paggawa ng handmade paper, scrunch, macrame bag, iba’t ibang handicraft, at basic handloom weaving. Layunin nito na bigyan ng kasanayan ang mga benepisyaryo upang makapagsimula ng sariling kabuhayan habang isinusulong ang paggamit ng lokal na yamang hibla. Dumalo sa MOA signing sina NHA CSSD OIC Donhill Alcain, PhilFIDA Executive Director Arnold Atienza, at Fiber Utilization and Technology Division OIC Concepcion D. Jocson.