• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NHA, NAGSAGAWA NG APAT NA ARAW NA GAD CLIENT-FOCUSED ASSESSMENT

NAGSAGAWA ang National Housing Authority (NHA) ng isang Four-Day Client-Focused Assessment ng GAD-Funded Training Programs para sa Calendar Years 2022-2024. Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap nitong suriin ang bisa at epekto ng mga programang nakatuon sa Gender and Development (GAD) ng buong ahensya

Sa patnubay ni NHA General Manager at GAD Champion Joeben A. Tai, ang apat na araw na aktibidad ay pinangunahan ng NHA GAD Client-Focused Committee na pinamunuan ni Community Support Services Department (CSSD) Officer-in-Charge, Maricris G. Maninit. Dinaluhan ito ng 60 miyembro ng NHA Gender and Development Focal Point System (GFPS) mula sa iba’t ibang rehiyon.

Ang assessment ay naglalayong matukoy kung ang mga GAD-funded training programs na ipinatupad ng ahensya sa nakalipas na tatlong taon ay epektibong tumugon sa mga pangangailangan ng mga kliyente nito, pinahusay ang gender responsiveness nito, at nag-ambag sa pinahusay na paghahatid ng serbisyo sa loob ng mga NHA project sites.

Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni NHA GAD Chairperson Atty. Maria Magdalena D. Siacon ang kahalagahan ng evidence-based at client-centered evaluation sa pagpapatibay ng GAD planning, implementation at budgeting, at nilinaw nito ang papel ng assessment sa pagtiyak na ang mga GAD initiatives ay nakaka-benepisyo sa mga kliyente, stakeholders, at empleyado ng ahensya.

Bilang pagpapahayag ng kanyang suporta sa inisyatibong ito, iginiit ni GM Tai ang patuloy na pagpapatupad ng NHA sa inobasyon at pagsasainstitusyon ng mga gender-responsive na mga gawi, kasabay ng pahayag na ang layunin ng ahensiya ay higit pa sa pagbibigay ng pabahay, pati na rin ang pagbuo ng mga inklusibo at mauunlad na komunidad.

Higit pa rito, aktibong nakibahagi ang mga kalahok sa mga talakayan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga karanasan mula sa kani-kanilang rehiyon, pagbibigay ng mga inputs na gagamitin sa pagpino ng mga future GAD strategies, pagpapahusay ng program responsiveness, at pagtukoy sa mga areas of improvement at mga posibleng pilot interventions.

Nitong Setyembre 2025 ay pinarangalan ang NHA ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa namumukod-tanging dedikasyon nito sa pagsusulong ng gender equality at women’s empowerment sa pamamagitan ng epektibo at estratehikong paggamit ng 2024 GAD Budget nito. Ito ay karagdagan sa mga naunang Silver at Bronze GADTimpala Awards na ipinagkaloob ng PCW sa NHA noong 2023 at 2018.

Alinsunod sa Republic Act No. 12216 o ang NHA Act at Section 24 ng Republic Act No. 9710 o Magna Carta of Women, na nag-uutos sa probisyon ng accessible, secure, at inclusive na pabahay para sa kababaihan at iba pang marginalized groups, isinusulong ng NHA ang 2026-2031 GAD Framework and Strategic Goals nito upang palakasin ang pangako ng ahensya tungo sa gender equality, inclusivity at accountability ayon sa mga national GAD policies at mandates. (PAUL JOHN REYES)