• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 12:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NHA, KINILALA BILANG ISA SA MGA NANGUNGUNANG AHENSYA SA GENDER AND DEVELOPMENT

IPINAGMAMALAKI ng National Housing Authority (NHA) na ipahayag ang pagkilala ng Philippine Commission on Women (PCW) sa kanilang natatanging pagsisikap na isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at kapangyarihan ng kababaihan sa pamamagitan ng maayos at epektibong paggamit ng 2024 Gender and Development (GAD) Budget.

Sa taunang pagsusuri ng PCW sa paggamit ng GAD Budget, kabilang ang NHA sa mga nangungunang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang mga sumusunod:

• Ika-4 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Attributed GAD Allocation

• Ika-6 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Organization-Focused GAD Budget Allocation

• Ika-4 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Kabuuang GAD Budget Allocation

• Ika-3 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Kabuuang GAD Budget Expenditure

• Ika-3 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Organization-Focused GAD Budget Expenditure

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng NHA na isama ang pananaw ng kasarian sa lahat ng mga programa, polisiya at serbisyo nito lalo na sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto sa pabahay at resettlement na naglalayong maprotektahan ang mga karapatan, dignidad at kapakanan ng kababaihan at iba pang mahihinang sektor.

“Lubos naming ikinararangal ang pagkilalang ito mula sa PCW,” ani ni NHA General Manager Joeben Tai.

“Isang hamon at biyaya ang gantimpalang ito upang lalo pa naming paigtingin ang mga programang nakatuon sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa buong ahensya. Ang aming misyon ay hindi lamang magtayo ng mga bahay, kundi magtaguyod ng mga makatarungan, inklusibo at empowered na komunidad,” dagdag pa ni GM Tai.

Ipagpapatuloy ng NHA ang pagsisikap na maging modelo ng gender-responsive governance sa ilalim ng mga alituntunin ng Republic Act No. 12216 at Section 24 ng Magna Carta of Women (RA 9710) na nagtatakda ng mga serbisyong pabahay na accessible, ligtas at inklusibo para sa kababaihan at iba pang marginalized na sektor.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon at hamon upang patuloy na paigtingin ng NHA ang mga inisyatibo para sa gender equality at inclusivity sa sektor ng pabahay sa mga susunod pang mga taon. (PAUL JOHN REYES)