• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:04 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ngayong Chinese New Year: “Pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good”-PBBM

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino-Chinese community na  ituloy lamang ang kanilang “grand ambitions” hindi lamang sa sarili kundi para sa mas ikabubuti ng lahat.
Nakiisa kasi  ang Pangulo sa  Filipino-Chinese community, araw ng Miyerkules, sa pagdiriwang ng mga ito ng  Chinese New Year, Isang maningning na pang-kultural na na sumisimbolo sa ‘pag-asa, pagbabago at pagiging masigasig.’
“As we welcome a new year of self-improvement and good fortune, let this event inspire us to boldly set our intentions and confidently pursue grand ambitions not only for ourselves but for the greater good,” ang sinabi ng Pangulo sa kanyang mensahe.
Ang Chinese New Year ang pinakahihintay na holiday ng mga Chinese, hindi lamang sa China kundi sa buong mundo.
Tinatawag itong “Spring Festival” at “Lunar Year” at ibinabase ang petsa ng pagdiriwang sa Chinese lunar calendar.
Ang unang araw ng Chinese New Year ngayong 2025 ay January 29 at ito ang simula ng Year of the Wood Snake.
Ang Chinese New Year ang pinakamahalaga na taunang festival para sa mga tao na may Chinese ancestry sa buong mundo, at marami silang mga tradisyon na sinusunod.
Para sa marami, ito ay isang religious holiday, puno ng panalangin, offerings at marami pang iba.
Ang Chinese New Year ay ipinagdiriwang ng 15 araw, subalit ang unang tatlong araw ang pinakamahalaga.
Sinabi pa ng Pangulo na ang itinatangi na okasyon ay “steeped in century-old tradition and joy” dapat ay maging paalala sa publiko na ikonsidera ang bawat hamon na isang pagkakarltaon para yumabong at bawat pagsisikap bilang oportunidad para matupad ang hinahangad na aspirasyon.
Hinikayat naman  ng Pangulo ang publiko na yakapin ang “promise of prosperity with courage and determination” sa  Year of the Snake, Isang simbolo ng  ‘wisdom, intuition, at transformation.’
“Let the vibrant lanterns that illuminate our celebration also brighten our purpose as a nation,” ang sinabi ng Pangulo.
“May this auspicious time rekindle our commitment to a Bagong Pilipinas-inspiring new beginnings, forging fruitful endeavors, and deepening our duty to strengthen the ties that bind us as a country,” aniya pa rin. (Daris Jose)