NBI, hihingi ng tulong sa interpol kontra mga nagpapakalat ng fake news
- Published on March 26, 2025
- by @peoplesbalita
HIHINGI ng tulong ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Criminal Police Organization o INTERPOL para sa pagtugis sa mga Filipino Citizen na nagpapakalat ng fake news kahit na nasa ibang bansa.
Aminado si NBI Director Jaime Santiago, na isa sa problema nila ay kung paano mahahabol ang mga Pilipinong nasa abroad na nagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Inihalimbawa ni Santiago ang mga citizen sa Amerika na hindi naman krimen ang libel dahil itinuturing lamang ito na isang civil case.
Tiniyak naman ng NBI na nirerespeto nila ang freedom of speech at expression ng sinuman pero binabalanse umano nila ito nang maayos.
Sa ngayon anya ay higit na sa dalawampung bloggers ang kanilang iniimbestigahan na umano’y source ng fake news na hinihinalang ginagastusan o may nagpopondo sa kanila.
(Gene Adsuara)