Navotas namahagi ng educational assistance
- Published on May 24, 2024
- by @peoplesbalita
NAMAHAGI ang Pamahalang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan.
Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril.
Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para mabigyan ang mga PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year. (Richard Mesa)