Navotas, nakiisa sa International Coastal Clean-up Day
- Published on September 23, 2024
- by @peoplesbalita
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco sa International Coastal Clean-up Day sa pamamagitan ng pagsasagawa ng simultaneous cleanup activities sa lahat ng barangay sa Navotas.
Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga NavoteƱo na hindi lamang makiisa sa paglilinis tuwing mayroong espesyal na okasyon, kundi gawing habit ang pagsasagawa ng cleanup drives at pag-segregate ng basura sa bahay pa lamang.
Aniya, layon ng paggunita sa ICC na mabawasan ang mga basurang nauuwi sa mga karagatan at nakakasama hindi lang sa kalikasan kundi nakakaapekto rin sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan.
Sinabi pa niya na pamamagitan ng pakikiisa ng mga volunteer, makakuha rin ng sapat na datos tungkol sa mga uri ng basurang nakakalap sa pagsasagawa ng aktibidad.
Kabilang sa mga nakiisa sa ICC ang mga tauhan ng Navotas Police, Navotas-BJMP, Navotas-BFP, Northern NCR Maritime Police, Coast Guard, mga guro, mga estudyante at mga volunteer. (Richard Mesa)