• April 26, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NAVOTAS LGU, nakipagtulungan sa Aboitiz, DENR sa pagsasaayos ng ilog 

NAKIPAGTULUNGAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau National Capital Region (DENR-EMB NCR) at Therma Mobile, Inc. (TMO), isang subsidiary ng Aboitiz Power para sa pagsasaayos at pag-protekta sa isang bahagi ng Navotas River sa ilalim ng Adopt-an-Estero/Waterbody Program.
Nilagdaan ni Mayor John Reynaldo M. Tiangco ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama si DENR-EMB NCR Regional Director-in-Charge Engr. Divina C. Camarao at AboitizPower AVP for Corporate Services Engr. Lou Jason Deligencia na sinaksihan ng mga barangay officials at community stakeholders.
Sakop ng kasunduan ang isang one-kilometer stretch ng Navotas River na tumatawid sa Barangays NBBS Dagat-dagatan at NBBS Kaunlaran, na dumadaloy sa Manila Bay. Sinusuportahan ng pagsisikap na ito ang patuloy na mandamus ng Supreme Court para sa rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng bay at mga sanga nito.
“Navotas is a coastal city that faces challenges from flooding and water pollution. By joining forces with DENR and Therma Mobile, we are making a strong commitment to cleaner waterways, healthier communities, and a more sustainable future for our people,” ani Mayor Tiangco.
Sa ilalim ng MOA, nangako ang pamahalaang lungsod na mahigpit na ipatupad ang environmental laws tulad ng Clean Water Act, Ecological Solid Waste Management Act, at Toxic Substances and Hazardous Waste Control Act.
Pangungunahan din ng lungsod ang tree-planting, greening initiatives, at community mobilization activities habang nagtatrabaho para ilipat ang mga informal settlers na nasa tabing ilog.
Ang DENR-EMB NCR ay magsasagawa ng quarterly water quality monitoring at magbibigay ng suportang teknikal at pagpapatupad, habang nangunguna rin sa mga kampanya sa eduksyong pangkalikasan.
Bilang bahahi ng corporate social responsibility nito, ang TMO ay magsasagawa ng buwanang bioremediation activities at extend support para sa cleanup drives, greening projects, at public awareness campaigns.
Hinimok din ni Mayor Tiangco ang iba pang kumpanya sa lungsod at kalapit na lugar na makiisa at lumahok sa mga katulad na environmental programs.
“We are thankful to Therma Mobile for setting an example of responsible corporate citizenship. I encourage other companies to follow suit and adopt their own waterways. Together, we can transform Navotas into a city where development and environmental care go hand in hand,” pahayag niya. (Richard Mesa)