• March 2, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Naunahan pa siyang makarating sa ibang bansa…. Nanakaw na cellphone ni LANCE, nakarating na sa China

NAKAAALIW ang kuwento ng young actor at Viva Artists Agency (VAA) talent na si

Lance Carr na nakarating na raw sa China ang ninakaw na cellphone.

Na-trace daw nila ang nanakaw na cellphone gamit ang Find my Phone app at sa

huling pagtse-check ay nakarating na ito sa Shenzhen, Guangdong, China.

Kaya pagbibiro nga ni Lance, buti pa raw ang CP niya ay nasa China na

samantalang siya ay hindi pa nakakarating sa naturang bansa.

“Ang update sa cellphone ko, nasa Shenzhen, Guangdong, China na po siya ngayon.

Nag-mall stop muna siya sa Greenhills bago pumunta ng China.

“Noong unang-una po talaga, nasa Greenhills siya.

“Pero I mean, sino ba naman ang aamin kung iisa-isahin ko ‘yung mga cellphone store

roon. So binalewala ko na lang. I buy a new one.

“Noong nakita ko na bagong location niya, nasa China na siya,” pahayag pa niya.

No worries naman si Lance na baka may sensitive videos sa cellphone niya na biglang

kumalat, dahil sigurado raw siya na walang naka-save doon na ikagugulat ng lahat.

Samantala, mapapanood na si Lance kasama ang ka-loveteam niyang si Aubrey

Caraan, sa bagong Viva One series na “Hell University” simula sa February 6.

***

PlayTime Entertainment, mas Lumalaki pa sa pag-launch ng PT Sports

INANUNSYO ng PlayTime Entertainment ang pag-launch ng PT Sports, ang pinakabagong business vertical ng kumpanya, matapos ang matagumpay na debut ng PT IDOL.

Sa pagpasok ng PT Sports, tuloy-tuloy ang evolution ng PlayTime bilang isang fully integrated entertainment platform—kung saan pinagsasama-sama ang talent development, sports, at performance-driven content sa ilalim ng isang brand.

Ang PT Sports ay binuo para i-manage ang mga atleta, mag-produce ng premium sports content, at bumuo ng strategic partnerships sa iba’t ibang platforms.

Dito, ang sport ay tinuturing na entertainment kung saan nagtatagpo ang performance, storytelling, at spectacle—na swak sa vision ng PlayTime Entertainment na i-celebrate ang galing ng mga Pinoy sa lahat ng larangan.

“After the launch of PT IDOL, expanding into sports was a natural progression for us,” ayon kay Krizia Cortez, Director of Public Relations at PlayTime Entertainment. “Entertainment today goes beyond traditional categories. Whether on stage, on screen, or in competition, performance is at the heart of what audiences connect with. PT Sports allows us to build that connection through sport.”

Bilang panimula, ipinakilala ng PT Sports ang kanilang all-Filipino professional esports team na lalaban sa highest regional level sa Southeast Asia. Ang team na ito ay isa sa mga top competitive organizations sa rehiyon at sasabak na sa international stage bitbit ang banner ng PT Sports.

Plano rin ng division na ito na unt-unting pumasok sa traditional sports at iba pang emerging competitive formats habang lumalaki ang kanilang platform.

Ang pag-launch ng PT Sports ay isa na namang milestone sa transformation ng PlayTime bilang isang ganap na entertainment company. Kasunod ng PT IDOL, pormal na ngayong ginagawang scalability verticals ang matagal nang suporta ng kumpanya sa entertainment—mula sports at live events hanggang sa mga cultural at national platforms.

“Naniniwala kami na ang PlayTime ay tungkol sa entertainment sa lahat ng anyo nito,” dagdag ni Cortez.

“Sa nakalipas na mga taon, sinuportahan namin ang mga Pinoy films, concerts, pageants, at championship sports. Ang PT IDOL at PT Sports ay hindi lang basta pivots—sila ang katuparan ng aming long-term vision. Binuo muna namin ang relationships at infrastructure, at ngayon ay ready na kaming mag-scale nang may focus at championship standards”.